I am not so into writing stories. Yeah I do some but I find it tiresome. It's been a while since I last wrote a story and at last I began to write again. Here's one that I wrote for our project in Panitikan at Literatura. It was supposed to be a short story but in the middle of writing, I lost my mood. Thinking that I must finish it immediately, I still pushed through with it not minding how will it end up. So yeah! Here you go!
Hanggang
sa panaginip na lamang
ni
Malvin Jay Quilanita
Dahan-dahan
kong minulat ang aking mga mata. Sa aking pagkakamulat ay nasilayan ko agad ang
liwanag na sumisilip mula sa bintana ng aking silid. Kay ganda ng umaga at
waring ibinubulong sa akin na “Bangon na! Magandang umaga!”
Sana
nga ganoon ang maririnig ko ngunit hindi, wala akong naririnig kundi ang ingay
na nagmumula sa labas ng aking silid.
“Ano?!
Nasaan ang sweldo mo? Binigay mo na naman sa mga babae mo!” malakas na sigaw ni
inay kay itay.
“Wala!
Wala! Ako tigilan mo diyan sa kakasabi mo ng may babae ako ah. Baka tuluyan
kita at humanap ako ng iba!” pabulyaw naman na sagot ni itay sabay daling
lumabas ng bahay at pumunta sa kung saan na nasisiguro kong naglagi sa aking
ninong upang makipag-inuman.
“Boyet!
Ikaw kumilos-kilos ka na nga! Aba’y ang sarap ng buhay mo ah. Sarap ng tulog
tapos tanghali na kung gumising. Magaling! Ano pa tinutunganga mo diyan? Kilos
at simulan mo ng maglinis ng bahay!” galit na utos ni inay sa akin na araw-araw
na ata niyang ginagawa sa akin.
Ganito
ang sitwasyon at pangyayari sa aming bahay araw-araw. Mula pagkagising ko
hanggang sa ako’y matulog, sigawan dito sigawan diyan, utos dito at utos diyan.
Lubhang nakabibingi!
Pinatigil
na ako ng inay sa pag-aaral dahilan sa hindi sapat ang natatanggap na sweldo ni
itay sa pagsa-side line niya sa pagkakarpintero. Ilang taon na rin akong
tumigil ngunit magpasahanggang ngayon ay may hinanakit pa rin ako sa aking mga
magulang dahil hindi man lamang nila nagawan ng paraan kung paano ako
mapapag-aral at mapagtatapos.
Naging
taong-bahay ako at ako ang palagiang inuutusan sa mga gawaing bahay. Wala akong
kapatid kaya’t lahat ng gawain ay ako ang gumagawa. Nagagalit ako sa aking mga
magulang dahil imbis na ako’y nagbabasa at nagsusulat sa paaralan ay heto ako
at walang napapala kakasunod ng walang humpay nilang mga utos.
“Hoy ikaw boyet! Ayusin mo ang
paglilinis ng bahay. ‘Yan na nga lang ang naitutulong mo dito baka naman hindi
mo pa magawang ayusin yan.” Boses ni inay na nanggagaling mula sa kusina.
Kinagabihan,
itinuloy ko ang matagal ko ng pinlanong paglayas sa amin. Dahan-dahan akong
lumakad papalabas ng aming bahay. Unti-unti ay nakikitang napapalayo na ako sa
aming bahay. Habang ako’y naglalakad, nakadama ako ng galak, galak na matagal
ko nang hindi naramdaman. Labis akong nagsaya at nakaalis na ako sa poder ng
aking mga magulang.
“Malaya
na ako! Wala nang sigawan, wala nang ingay!” napabulyaw ako sa tuwa.
Sa
aking paglalakad, nakaramdam ako na mayroong sumusunod sa akin. Nagpatuloy ako
sa aking paglakad ngunit sa bawat paghakbang ko ay alam ko na kung sinuman ‘yon
ay sinasabayan niya ako sa aking paghakbang.
Binilisan
ko ang aking mga hakbang hanggang sa ako’y tumakbo na. Tumakbo ako ng matulin
at huminto ako nang sa tingin ko’y nailigaw ko na siya. Ngunit sa kawalan ay
mayroong taong biglang bumulaga sa akin. Nagdilim ang aking paningin at nawala
ng malay.
Nagising
ako at nang imulat ko ang aking mga mata ay narron akong muli sa aming bahay.
Labis ang aking pagtataka kung bakit naroon ako muli. Ang natatandaan ko ay
umalis na ako sa amin. Nilibot ko ang buong bahay, wala si inay at itay. Kahit
saan ako maghanap ay wala sila. Mas tumindi ang aking pagtataka.
Naglakad-lakad
ako sa labas ng aming bahay. Sa hinid ko malamang dahilan ay pilit kong
hinahanap si inay at itay. Sa aking paghahanap, sa ‘di kalayuan ay nakakita ako
ng mga taong nagkakagulo waring may nangyayaring hindi maganda roon. Dali akong
pumunta sa kinaroroonan ng mga tao. May naririnig akong babaeng sumisigaw.
“Anak!
Anak ko!” paulit-ulit ang sigaw ng babae.
Sa
aking kagustuhang malaman kung ano ang nangyayari ay pinilit kong sumingit sa
nagkakagulong mga tao at laking gulat ko nang makita ko si inay buhat ako sa
kaniyang mga braso.
“Boyet!
Gumising ka boyet!” sigaw ni inay na may kasamang paghihinagpis.
Hindi
ako makapaniwalang nakikita ko ang aking sarili na walang buhay.
“Ngunit
imposible! Heto ako buhay na buhay! Inay! Nandito ako!”
Makailang
beses kong tinatawag si inay ngunit wala siyang naririnig. Wari’y hindi niya
alam na nandito ako. Kahit si itay ay hindi rin ako marinig. Hindi ko lubusang
maintindihan ang nangyayari. Nakita ko sa kanilang mga mata ang labis na
hinagpis at lungkot habang ako’y nahihimlay sa braso ng aking mahal na ina.
Gusto ko man silang lapitan ngunit hindi ko magawa. May kung sa hindi ko maipaliwanag
ay mayroong pumipigil sa akin.
Biglang
nagbalik sa aking alaala ang naganap nung gabing ako’y nagdesisyong umalis sa
amin. Kinitil pala ang aking buhay ng taong biglang sumulpot mula sa kawalan.
Hindi ko maintindihan. Napakagulo ng aking isipan. Bumalik lahat ng mga naganap
nung araw na puno na ng galit ang naramdaman ko sa aking mga magulang.
Unti-unting nagdidilim ang paligid. Pilit kong nilalakasan ang aking sigaw
upang ako’y kanilang marinig ngunit wala pa ring nangyayari.
“Inay!
Inay! Nandito ako! Wag niyo akong iwan inay! Itay! Nandito ako! Nandito ako!
Inaaaaaaaaaaaay!”
Namulat
akong muli. Pawisan ako at pagod na pagod. Isang panaginip lamang pala ang
lahat, isang napakasamang panaginip na hindi ko nanaising muling makita pa o
maiguhit man lang sa aking guni-guni. Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga ko sa
aking kama. Hinanap ko si inay at itay. Si inay ay nagluluto at si itay naman
ay nagkukumpuni ng nasirang upuan sa labas ng bahay. Niyakap ko sila ng
napakahigpit na madalang kong gawin. Ngayon ko naramdaman na hindi ko kayang
mabuhay nang wala sila sa aking piling. Oo, ginusto kong mapalayo sa kanila
noon ngunit ngayo’y alam ko na isa ‘yong pagkakamaling hindi ko na muling
uulitin pa, pagkakamaling hanggang sa panagnip na lamang.